Thursday, March 4, 2010

Panawagan kay Commissioner Cordoba ng NTC

Ginoo,



Maluwag hong tatanggapin ng aking kalooban sakaling mapagpasiyahan ninyong habangbuhay na ipagbawal ang pagpapadala at pagtanggap ng text messages sa buong Pilipinas, sa kabila ng pagiging "texting capital of the world" nito. Ito ay sanhi ng paglaganap ng mga mensaheng tulad ng sumusunod, na natanggap ng inyong lingkod kamakailan lamang:



04/03/2010
05:59:39 PM
+639128794052

E2 bgo q roaming # muzta na kau jan?okz nman aq d2?may mga ipa2dala aq mga gmit merondin mga celphon kanya2 name un meron ka don,pwdi b loadan u muna e2ng 300 hndi kz aq lumalbaz d2 maya call aq jan im4tante ha,cge bc pa aq now w8 q ung load ingatz kau plagi jan mis u ty.





Sumasaiyo,
Diona Valdez



CC: Hon. Jesli Lapus, DepEd





P.S.
Sa iyong nagpadala ng nasasaad na mensahe, isa kang jologs. At kahit kabilang ka pa sa aking angkan o di kaya'y isang matalik na kaibigan, ang iyong estilo ng pagbababaybay at paghulma ng mga pangungusap sa ngalan ng text lingo ay sapat na dahilan na upang ika'y burahin sa aking contacts sa halip na pasahan ka ng load.

No comments:

Post a Comment