Friday, November 23, 2012

Chapter One (Patawid ng Two)

Nautot ako at naalala kita.

Kasi lagi akong umuutot. In fact nung minsang nagsabi ka ng something romantic pagkatapos mo kong lutuan ng your very own Schatzwich, yun ang naisagot ko. Kasi laging nangyayari ang mga bagay na di ko sinasadya, kagaya nung una kang umaming mahal mo ko. Natawa lang ako; nabato mo tuloy ako ng Heinz ketchup sa mata. Sanay tayo sa batuhan eh. Ng sweet everythings, sarcastic punchlines, kahit dumb facial expressions. Kaya namamangha ako sa tuwing ginagaya mo lahat ng hirit ko. Kopyang kopya. Nga pala, yung kopya ng karatulang ginamit mo nung sinundo mo ko sa NAIA galing Japan, nasakin pa. Tinago ko kasi di ko malilimutang nagsuot ka ng amerikana for full effect; may pag-abot ka pa ng lily na origami pagsakay sa kotse. Yun na yata ang nakakaalam ng lahat ng sikreto natin, no? Nung pinakaunang beses na sinundo mo ko nang madaling araw sa opisina natin just (probably) two hours after nating magkakilala, na nauwi sa napaka-friendlyng peck sa cheek, hanggang sa Star Tollway for our first beach trip together kahit hindi pa tayo. Pero hindi yun ang pinaka-tine-treasure kong moments sa kotse mo. Mas di ko malilimutan ang iyakan natin don hindi dahil masakit ang alaala, kundi dahil sa kotse mo rin tayo nagkasundong hilaw pa ang pre-"us" relationship natin at kailangan pang i-marinate. For twenty days lang naman. Eh yun ngang trip natin to Binondo, twenty-two days lang after kitang sabihan ng "Ang bango mo" kahit di pa natin alam ang pangalan ng isa't isa eh. Sarap talaga ng unang higop ko ng la mien dun, shet. At lahat ng nangyari sa loob ng twenty-four hours na magkasama tayo. Sa LRT na unang beses kong masakyan (salamat sayo), sa Paterno, sa Sunken Garden. Sa Mcdo Katipunan. Naging tayo. Kinabukasan, hindi na. Kasi, gaya nga ng sinabi ko kanina, laging nangyayari ang mga bagay na di ko sinasadya. Gaya ng pag-utot.

Nautot ako at naalala kita. 

Tayo.

No comments:

Post a Comment