Ang laki pala ng SM Supermarket sa Southmall. Pero kahit sa sobrang lawak niya magkatabi pa rin ang lagayan ng fresh milk at Raid, kaya kaunting ingat.
Anyway.
Nakatambay ako sa biskwet aisle, naglalaway sa dami ng mga biskwet na nakatambay din doon. Hanggang sa nakita ko siya. Nostalgic. Sabi niya sakin, "Diona, ikaw na ba yan?!" Sa sobrang tuwa, isa-isang nagsayawan, gumulong, nag-cartwheel, nagtic-tac, at nag-chinese getup ang mga kasama niya.
Ang mga kasama niyang biskwet.
So. Back to reality ulit.
Namiss ko ang childhood security blanket ko that is Pacencia. (Pakyu Egg Nog, nauna ang Pacencia. Tsaka magaspang ka sa likod ng ngipin, pwede ba.) Yung sakto ang pagkatamis, tunawin mo man sa dila mo or kagatin mo nang derecho. Yung see-thru ang packaging. Buhay pa pala siya. At nandyan lang siya, abot-kamay.
Pero ito talaga ang gusto kong tumbukin: Paano nga kaya kung nabibili na ang pasensya? Paano kung ganon kadali magkaroon ng pasensya, at sa murang halaga pa? Ang aliwalas siguro ng mundo. Walang magbabarilan dahil sa traffic jam, walang solian ng kandila dahil late sumulpot ang isang kaibigan, walang mag-aalangan sa long-distance relationships. Magpaparaya ka. Maghihintay ka nang mas matagal pa. Tiya-tiyagain mo yung mga issues niya kasi kaya mo pa. Dahil pag paubos na ang pasensya, mabibili mo naman siya sa iyong suking tindahan, ika nga.
In the end, may craving man ako sa Pacencia, hindi ko pa rin siya binili. Hindi naman kasi ganon katindi ang tawag. Same thing pag dumating man ang panahon na tangible na ang patience. (By that time siguro, two-dimensional na lang tayo. Cartoons kumbaga.) Maganda pa rin yung nadidiskubre mo yung limits mo. Na yung limit na yon mas stretchable pa pala sa geerdel (read: girdle) ng lola ko, mas mahaba pa sa original version ng kantang American Pie, mas unli pa sa UnliTxt ng kung ano mang network, at lalong mas marami pa sa 64 in one Crayola na may built-in na pangtasa. Akala mo sagad na pero meron pa palang isasagad yung sagad na sagad na. Tapos yung sagad na sagad na yon may iti-triple pa. Kasi ang tawag pala don, Love. With a capital L.
Now I don't know how to end this. Pasensya na.
(written December 17, 2009)
No comments:
Post a Comment